top of page
bg tab.png

AKAP (Ayuda para sa Kapos ang kita Program) para sa 768 Angatenyo

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Ginanap sa Angat Municipal Gymnasium ang isang matagumpay na pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Programang AKAP (Ayuda para sa kapos ang kita Program) para sa 768 benepisyaryo mula sa iba't ibang barangay ng Angat. Ang programang ito ay handog ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez, at naging posible sa pamamagitan ng ating Cong. Salvador “Ador” Pleyto.


Ang AKAP ay naglalayong magbigay ng agarang tulong at suporta sa mga indibidwal na bulnerable sa ating komunidad. Sa tulong ng programang ito, inaasahang mabibigyan ng ginhawa ang mga pamilyang kapos ang kita at masusuportahan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.


Dinaluhan ito nina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Konsehal Blem Cruz, Konsehal Ramiro Osorio, at Konsehal Andrew Tigas.

18 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page