top of page
bg tab.png

AICS Payout para sa 1478 na Angatenyo


Pinangunahan ni Menchie Bollas, ang head ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ang pamamahagi ng DSWD-Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Payout, kasama ang mga Daycare workers ng Angat, sa loob ng Angat Municipal Gymnasium. Dumalo sa nasabing programa ang mga pangunahing opisyal ng bayan, kabilang sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.


Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Angat, buong pusong ipinaabot ang pasasalamat kay Sen. Joel Villanueva para sa kanyang walang sawang suporta at pagkakaloob ng tulong pinansyal sa 1478 na mamamayan ng Angat. Kinikilala ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga kinatawan ng Senado upang maisakatuparan ang mga proyektong naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan ng Angat.

0 views0 comments
Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page