Ipinamahagi ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Payout sa mahigit isanlibo at walumput walong (1088) benepisyaryong mamamayang Angatenyo. Ang pamamimigay ng tulong ay isinagawa sa Covered Court ng Brgy. Sulucan.
Ang programa ay aktibong sinuportahan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista kasama sina Kon. Blem Cruz, Kon Darwin Calderon at ABC Richard Cruz.
Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa ating Cong. Salvador “ADOR” Pleyto gayundin sa mga katuwang na kawani na patuloy na nagbibigay ng walang sawang pagsuporta upang maabot ang mga pangangailangan ng ating mga mamamayan.
Comentários