top of page
bg tab.png

Agarang Paglikas, Buhay ay Iligtas


Dahil sa malakas na pag-ulan na dulot ng Amihan ay pinuntahan ng ating Punong Bayan Reynante Bautista ang mga Angatenyong nakatira malapit sa ilog upang kumbinsihin na magtungo sa mga evacuation center dahil sa posibilidad na magkaroon ng flashflood.




Sa halip na intayin pa na bumaha, nais ng ating punong bayan ang aktibong pagtugon sa kalamidad upang maiwasan ang trahedya at pagkawala ng buhay.





Nakasama rin ang mga kawani ng MDRRMO at iba pang bahagi ng Monitoring Team ng ating pamahalaang bayan, gayundin ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan sa ginawang pagbisita sa ating mga mamamayan.




Sa mga nais humingi ng tulong sa panahon ng sakuna at kalamidad, maaari kayong tumawag sa ating Rescue Hotline sa numerong 09239263393.


Mahalaga ang bawat buhay kaya't magtulong-tulong tayo upang ito'y mapangalagaan.


3 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page