Agarang Aksyon sa Fernandez Street, Isinagawa ng SB Marungko

Agarang binisita at ininspeksyon ng pamunuan ng Barangay Marungko ang Fernandez Street upang matugunan ang mga pampublikong suliranin sa nasabing lugar.
Pinangunahan ng barangay ang pagsusuri sa kalsada upang magawan ng mabilis na solusyon ang hindi maayos na daloy ng tubig at ang nagdudulot ng peligro na nakatumbang poste.
Patuloy ang pamunuan ng Barangay Marungko sa pagtanggap ng mga ulat mula sa mga mamamayan upang mabilis na matugunan ang mga pangangailangan at suliranin sa bawat kalsada ng barangay.










Comments