Sa pagbabalik-ekwela ng mga Angatenyo, umagapay po tayo sa ilang mga estudyante sa pamamagitan ng pamamahagi ng school supplies sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa ating bayan.
Kinumusta rin po natin ang mga guro na patuloy na umaakbay para sa kanilang pag-aaral na magiging tulay sa pagkamit nila ng magandang kinabukasan.
Maraming salamat kay Mayora Lesslie Bautista at sa Jowable Youth na nakasama natin sa programang ito. Mula sa pamahalaang bayan, makakaasa po kayong mananatiling prayoridad natin ang edukasyon ng mga kabataan.
Sipagan at galingan sa pag-aaral mga bata!
Comments