Advance Payment para sa Amilyar 2026, Bukas Na!
- angat bulacan
- Oct 23
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Simula na ang pagtanggap ng advance payment para sa Real Property Tax (Amilyar) para sa taong 2026, ayon sa Municipal Treasurer’s Office.
Inaanyayahan ang publiko na magbayad nang maaga upang makakuha ng 15% discount, makaiwas sa mahabang pila, at maiwasan ang abala sa huling araw ng bayaran.
Bukas ang tanggapan Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM para tumanggap ng bayad at magbigay ng kaukulang assistance.
Hinihikayat ang mga taxpayers na samantalahin ang pagkakataong ito para sa mas maginhawang transaksyon.









Comments