top of page
bg tab.png

15% Diskwento, Makukuha sa Maagang Pagbabayad ng Real Property Tax para sa 2027

Oct 6
1 min read

Inihayag ng Municipal Treasurer's Office (MTO) ng Angat, Bulacan ang opisyal na pagbubukas ng advance payment para sa Real Property Tax o Amilyar para sa taong 2027.


Maaaring magtungo ang mga may-ari ng ari-arian sa tanggapan ng MTO sa New Municipal Building mula Lunes hanggang Huwebes upang isagawa ang maagang pagbabayad.


Ayon sa MTO Angat, ang mga mamamayang magbabayad nang maaga ay makatatanggap ng 15% diskwento sa kanilang pagbabayad ng buwis.


Bukod sa diskwento, layunin din ng pampublikong anunsyong ito na matulungan ang mga mamamayan na makaiwas sa mahabang pila at abala sa mga susunod na buwan ng pangkalahatang taunang singilan ng buwis sa bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page