top of page
bg tab.png

Abot-kamay na ang Bagong Munisipyo ng Angat


“Ang bagong bahay pamahalaan po ay hudyat ng pagsisimula ng isang bayang matatag at may pangarap para sa lahat ng kabahagi nito. Nagsisimula pa lamang po tayo, malayo pa at madawag ang ating lalakbayin subalit mababanaag na po natin ang liwanag.


Hiling ko lamang po ay samahan po ninyo ang inyong lingkod na sundan ang direksyon at tahakin ang tamang landas tungo sa ganap na liwanag”.

-Mayor Jowar Bautista


Ang makasaysayang State of the Art New Municipal Multi-Purpose Building of Angat Groundbreaking Ceremony ay pinangunahan ng ating Punong Bayan Reynante Bautista at sinaksihan ng ating Cong. Salvador Pleyto, Vice Mayor Arvin Agustin at Sangguniang Bayan Members, mga pinuno ng tanggapan ng pamahalaang bayan, mga miyembro ng Civil Service Organization (CSO) at mga kawani mula sa DPWH sa panguguna ni DE George Santos.


Taos pusong pasasalamat din ang ipinapaabot ng lokal na pamahalaan sa pamilya ng dating Punong Bayan ng Pandi, Mayor Celestino Marquez na buong pusong nagbahagi ng kanilang ari-arian upang tayuan ng bagong Bahay Pamahalaan ng ating bayan.


Naniniwala po tayo na sa pagkakaroon ng bagong munisipyo ay higit na makapagbibigay ng mas maayos na serbisyo sa mamamayang Angateño gayundin ang pagbubukas ng mas maraming oportunidad at iba pang kapaki-pakinabang na gawain para sa higit na ikauunlad ng ating bayan.


14 views0 comments

Opmerkingen


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page