'A Seat at the Table': Boses ng Kabataan at Komunidad, Iniharap sa mga Opisyal ng Angat LGU

Mula sa matagumpay na pakikipag-usap sa iba't ibang sektor ng komunidad, dinala ng mga youth delegates ng Angat ang kanilang mga natutuhan sa ginanap na "A Seat at the Table: Public Consultation with the Municipal Officials," na inorganisa ng Angat Local Youth Development Council (LYDC Angat) bilang bahagi ng Boys' and Girls' Week 2026.
Sa naturang pampublikong konsultasyon, iniharap ng mga kabataan sa mga pinuno ng pamahalaang bayan ang mga key learnings, usaping pangkomunidad (community concerns), at mga iminumungkahing solusyon (proposed solutions) na nagmula sa katatapos lamang na Kabataan at Bayan: Community Listening Sessions.

Naging venue ang aktibidad upang ang mga kabataan ay hindi lamang maging tagapakinig kundi aktibong makapagtanong, makapaglahad ng pananaw, at makipagpalitan ng kaisipan sa mga opisyal ng bayan.
Binigyang-diin ng LYDC Angat na ang pagkakaroon ng "seat at the table" ay simbolo ng tunay na partisipasyon kung saan ang boses ng kabataan at ng mga sektor ay naisatitik sa mga pampublikong desisyon at patakaran.
Ipinakita sa bukas na diyalogong ito na ang partisipasyon ng kabataan ay hindi lamang paghahanda para sa kinabukasan kundi direktang pakikilahok sa kasalukuyang pamamahala para sa ikabubuti ng buong Bayan ng Angat.










Comments