top of page
bg tab.png

910 Senior Citizens Tumanggap ng Social Pension para sa Ikatlong Kwarter

ree

Isinagawa sa Municipal Gymnasium ang pamamahagi ng National Social Pension para sa ikatlong kwarter ng taon, kung saan 910 senior citizens mula sa bayan ng Angat ang nakatanggap ng kanilang benepisyo.


Ang programang ito ay ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Dumalo sa aktibidad sina Mayor Reynante S. Bautista, Konsehal Wowie Santiago, Konsehal JP Solis, at MSWDO Menchie Bollas. Naging katuwang din sa distribusyon ang mga kawani ng Municipal Treasurer’s Office at mga daycare workers.


Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa mga nakatatanda bilang pagkilala sa kanilang naging ambag sa komunidad at bilang bahagi ng mga programang naglalayong mapabuti ang kanilang kalagayan.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page