899 Senior Citizen sa Angat, Nakatanggap ng National Social Pension para sa 4th Quarter
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Nakapag-abot muli ng mahalagang tulong ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa kanilang mga senior citizen matapos matagumpay na naipamahagi ang National Social Pension para sa 4th Quarter.
May kabuuang 899 na benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ang nakatanggap ng kanilang ayuda mula sa programang pinondohan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga indigent seniors.
Pinangunahan ni MSWDO Menchie Bollas, kasama ang masisipag na kawani ng Municipal Treasurer’s Office at mga Daycare Workers, ang maayos at sistematikong proseso ng pamamahagi.









Comments