top of page
bg tab.png

875 Senior Citizens, Tumanggap ng National Social Pension para sa Unang Quarter ng 2026


Bilang bahagi ng patuloy na pagkalinga sa sektor ng mga nakatatanda, matagumpay na naisakatuparan ng Lokal na Pamahalaan ng Angat ang pamamahagi ng National Social Pension para sa unang quarter ng taon.


May kabuuang 875 na senior citizens mula sa iba’t ibang barangay ang nakatanggap ng kanilang kaukulang benepisyo. Ang pondo para sa programang ito ay nagmula sa National Government sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and

Development Office (MSWDO) sa ilalim ng pamumuno ni Ma’am Menchie Bollas. Upang matiyak ang mabilis, maayos, at organisadong distribusyon, naging katuwang din sa operasyon ang mga kawani mula sa Municipal Treasurer’s Office at ang mga dedikadong Daycare Workers ng bayan.


Ayon sa Lokal na Pamahalaan, ang programang ito ay hindi lamang tulong pinansyal kundi isang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga nakatatanda sa paghubog ng komunidad ng Angat. Layunin ng pamahalaan sa bawat serbisyong naihahatid na mas pagtibayin ang paglilingkod na may integridad, malasakit, at tunay na pagpapahalaga sa dignidad ng bawat mamamayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page