843 Senior Citizens sa Angat, Tumanggap ng Kanilang 2nd Quarter National Social Pension
- Angat, Bulacan

- May 26
- 1 min read

Upang patuloy na maiparanas ang suporta at pagkalinga ng gobyerno sa mga nakatatanda, matagumpay na ipinamahagi ang 2nd Quarter National Social Pension para sa 843 benepisyaryong senior citizens ng Bayan ng Angat.
Ang naturang programa ay mula sa pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na naglalayong maghatid ng tuluy-tuloy na tulong-pinansyal upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga lolo at lola sa araw-araw.
Ang natanggap na pensyon ng mga benepisyaryo ay saklaw ang ikalawang tatlong (3) buwan ng kasalukuyang taon. Ayon sa pamunuan, ang pondong ito ay nakatuon upang maging katuwang ng mga nakatatanda sa kanilang mga mahahalagang gastusin tulad ng pagbili ng mga pang-araw-araw na pagkain at nutrisyon. Pagbili ng mga maintenance na gamot at iba pang pangangailangang medikal at karagdagang gastusin para sa kanilang personal na kagalingan.

Ginanap ang payouts sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa ilalim ng pamumuno ni Menchie Bollas. Upang masiguro ang kaligtasan at mabilis na proseso para sa mga senior citizens, naging katuwang din sa aktibidad ang Municipal Treasurer’s Office at mga lokal na Daycare Workers na nagtiyak ng isang sistematiko, maayos, at organisadong daloy ng pamamahagi.
Nananatiling buo ang komitment ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa pakikiisa sa mga programa ng pambansang pamahalaan. Sa pamamagitan ng ganitong mga hakbangin, tinitiyak ng lokal na LGU na ang bawat tulong at kalinga ay diretso at mabilis na nakakarating sa mga sektor na higit na nangangailangan, partikular na ang mga minamahal na nakatatanda sa komunidad.









Comments