Sa pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women's Month 2024, na may temang "Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas Kakayahan ng Kababaihan Papatunayan", nakilahok ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista upang ipakita ang suporta sa pagtataguyod ng patas na lipunan kung saan patuloy na ipinapamalas ang kakayahan ng kababaihan. Sa pangunguna ni MSWDO Menchie Bollas, nagkaroon ng pagpapalawak ng kaalaman ukol sa mga batas na naglalayong protektahan ang mga karapatan ng kababaihan.
Layunin ng pagdiriwang ng Women's Month na ipagdiwang ang mga tagumpay ng mga kababaihan sa bansa at pagtaas ng kamalayan sa mga hamon tulad ng karahasan sa tahanan at iba pang mga suliranin na kanilang hinaharap araw-araw. Nakibahagi rin sa programa sina Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Konsehal Darwin Calderon, PMAJ Mark Anthony San Pedro, at mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor tulad ng mga Daycare workers, LLN, VAWC, Solo Parents at PWD, BTEC, at mga Senior Citizens.
Comments