top of page
bg tab.png

75 Benepisyaryo ng TUPAD sa Angat, Tumanggap na ng Payout


Matagumpay na naisagawa ang payout para sa mga benepisyaryo ng programang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) ngayong ika-9 ng Enero, 2026, sa Municipal Evacuation Center.


May kabuuang 75 residente ang tumanggap ng kanilang pinaghirapang suweldo matapos makilahok sa mga gawaing pang-komunidad. Ang nasabing payout ay pinangasiwaan ng Public Employment Service Office (PESO) - Angat sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista.


Nagpaabot ng malalim na pasasalamat ang Pamahalaang Bayan sa Department of Labor and Employment (DOLE) Region III, partikular na kina Regional Director Geraldine Panlilio at Assistant Regional Director/OIC Bulacan Field Office Alex Inza-Cruz, para sa kanilang walang sawang suporta sa bayan.


Ayon sa Pamunuan ng Angat, ang tagumpay ng programang ito ay bunga ng matibay na koordinasyon sa pagitan ng LGU at DOLE. Tiniyak din nito na patuloy na makikipagtulungan sa mga programa ng DOLE upang makapagbigay ng kagyat na tulong-pangkabuhayan sa mga mamamayang nangangailangan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page