top of page
bg tab.png

630 Mag-aaral, Tumanggap ng Tulong Pinansyal sa DSWD AICS Payout


Matagumpay na isinagawa sa Angat Municipal Gymnasium ang DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Payout. Sa ilalim ng programang ito, 630 mag-aaral ang pinagkalooban ng tulong pinansyal bilang bahagi ng Educational Assistance Program ni Cong. Salvador Pleyto.

Ang programa ay naglalayong magbigay ng mas maraming pagkakataon sa mga kabataan na makamit ang kanilang mga pangarap sa larangan ng edukasyon. Dumalo sa naturang aktibidad sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang mga opisyal ng bayan kay Cong. Salvador Pleyto para sa kanyang walang sawang suporta sa mga proyekto na naglalayong mapaunlad ang kalidad ng buhay ng mga mamamayang Angatenyo.

5 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page