top of page
bg tab.png

5th Flag Raising Ceremony, Pinangunahan ng Pamunuan ng Barangay Sta. Lucia



Pormal na binuksan ang linggong ito sa pamamagitan ng isinagawang 5th Flag Raising Ceremony na dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng pamunuan ng barangay ngayong umaga.


Ang lingguhang pagtataas ng watawat ay bahagi ng patuloy na pagpapakita ng nasyonalismo, pagkakaisa, at kahandaan ng mga lingkod-bayan na maghatid ng tapat at de-kalidad na serbisyo para sa mga mamamayan ng Sta. Lucia.


Matapos ang seremonya, sinamantala rin ng pamunuan ang pagkakataon upang talakayin ang mga nakalinyang programa, proyekto, at mga serbisyong nakatakdang ipatupad sa barangay para sa buong linggo. Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Sangguniang Barangay sa lahat ng nakiisa at nagnanais ng isang produktibo at ligtas na linggo para sa bawat kabarangay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page