52nd NUTRITION MONTH CELEBRATION, MASIGLANG IPINAGDIRIWANG SA BRGY. MARUNGKO!
- Angat, Bulacan

- Jul 4
- 1 min read

Isang makabuluhan at masayang pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month ang inilunsad ngayong buwan ng Hulyo sa Barangay Marungko, na nakatuon sa temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!"
Sa pamamagitan ng programang ito, layunin ng barangay na pagbuklurin ang komunidad upang isulong ang tamang nutrisyon, pagkonsumo ng masustansyang pagkain, at ang aktibong pangangalaga sa kapaligiran. Ipinapaalala sa pamayanan na ang bawat maliit na hakbang patungo sa kalusugan at kalikasan ay may malaking ambag para sa mas maunlad at malusog na kinabukasan ng lahat.
Inaanyayahan ang buong mamamayan ng Marungko na huwag palampasin ang mga inihandang palaro, programa, at iba't ibang exciting activities ngayong taon.
Para sa buong Schedule of Activities at mga pinakabagong anunsyo ukol sa pagdiriwang, maaari lamang i-follow at tutukan ang opisyal na Nutrisyon Angat Facebook Page.









Comments