500 Benepisyaryo sa Bayan ng Angat, Nakiisa sa DOLE TUPAD Orientation

Matagumpay na isinagawa ang Department of Labor and Employment – Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (DOLE TUPAD) Orientation ngayong Nobyembre 10, 2026 sa Municipal Gymnasium, na dinaluhan ng 500 benepisyaryo mula sa bayan ng Angat.
Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa ilalim ng inisyatiba ni Senador Joel Villanueva bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng pansamantalang hanapbuhay at agarang tulong-pinansyal para sa mga mamamayan.
Personal na bumisita sa pagtitipon si Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista upang ipabatid ang kanyang buong suporta sa mga benepisyaryo at sa nasabing programa. Nagbahagi rin ng isang espesyal at inspirasyonal na mensahe si G. Chris Sarmiento na nagsilbing kinatawan ng tanggapan ni Senador Villanueva.
Nagpaabot naman ng lubos na pasasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa patuloy na pagtutulungan ng DOLE at ng tanggapan ni Senador Joel Villanueva sa paghahatid ng mga programang pangkabuhayan na nakatutulong sa bawat pamilyang Angatenyo.










Comments