top of page
bg tab.png

50 ANGATENYO, NAGTAPOS SA AGRO-ENTREPRENEURSHIP

ree

Upang ipakita ang suporta ni Mayor Reynante “Jowar” Bautista sa mga programa ng TESDA ay nakiisa siya sa pagtatapos ng limampung (50) Angatenyo sa kursong Agro-Entrepreneurship NCII Batch 2025 sa ilalim ng TESDA na pinangasiwaan ng Maharlika School of Life, Inc.


Lubos na nagpapasalamat si Mayor Jowar sa TESDA sa pagbibigay ng mga makabuluhang programa, kabilang na ang mga kasanayan sa tamang pagpoproseso ng mga produktong agrikultural at mga pamamaraan sa pagbebenta nito na higit na nakatutulong sa pagpapaunlad ng agrikultura sa Bayan ng Angat.


Nagpapasalamat din ang punong bayan sa Maharlika School of Life, Inc. sa patuloy na pagbibigay ng oportunidad para sa kabuhayan at pagsusulong ng sustenableng agrikulturang may pagmamalasakit sa ating kalikasan.


Umaasa si Mayor Jowar na magagamit ng mga nagsipagtapos ang mga nakuhang kaalaman para sa kanilang kabuhayan at maibahagi rin ang kanilang mga natutunan para sa ikauunlad ng pamayanan..

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page