top of page
bg tab.png

₱450-K Livelihood Grant, Ipinamahagi sa Angat


Kabuuang ₱450,000 na pondong pangkabuhayan ang ipinagkaloob sa dalawang lokal na asosasyon sa bayan ng Angat sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Ang mga mapalad na nakatanggap ng tulong-pinansyal ay ang Banaban 4P's Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) at ang Baybay SLPA.


Ang SLP ay isang programa ng DSWD na naglalayong maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga organisadong grupo sa pamamagitan ng pagbibigay ng puhunan, pagsasanay, at iba pang suporta upang sila ay magkaroon ng matatag at pangmatagalang negosyo.



Ipinatutupad ang programang ito alinsunod sa Republic Act No. 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act. Sa ilalim ng batas na ito, nakatadhana ang mga karagdagang programa upang gabayan ang mga benepisyaryo na maging self-sufficient o may kakayahang tumayo sa sariling mga paa at mapabuti ang kanilang kalagayang pangkabuhayan.


Sa pamamagitan ng patuloy na ugnayan ng DSWD at ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa pamumuno ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista, mas pinalalawak pa ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga mamamayan tungo sa isang mas maunlad, produktibo, at matatag na pamayanan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page