45 Senior Citizen sa Angat, Tumanggap ng Cash Gift mula sa NCSC at Pamahalaang Bayan
- Angat, Bulacan
- 1 day ago
- 1 min read

Patuloy na kinikilala at pinahahalagahan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang mahalagang ambag ng mga nakatatanda sa lipunan matapos matagumpay na maipamahagi ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang cash gift para sa 45 benepisyaryong senior citizen sa munisipyo.
Kabilang sa mga tumanggap ng insentibo ang 43 senior citizen na umabot sa kanilang milestone ages (80, 85, 90, at 95 taong gulang) at dalawang (2) centenarian na nagdiwang ng kanilang ika-100 kaarawan.
Ang pamamahagi ng benepisyo ay alinsunod sa Republic Act No. 11982Â o ang Expanded Centenarians Act, na naglalayong magbigay ng parangal at tulong-pinansyal sa mga nakatatandang Pilipino:
P10,000 Cash Gift:Â Ipinagkaloob sa mga senior citizen na umabot sa edad na 80, 85, 90, at 95 taong gulang.
P100,000 Cash Gift:Â Ipinagkaloob sa dalawang centenarian na nagdiwang ng kanilang ika-100 kaarawan, kasama ang isang opisyal na Liham ng Pagbati mula sa Pangulo ng Pilipinas.

Ayon sa Pamahalaang Bayan ng Angat, ang pagkakaloob ng mga benepisyong ito ay hindi lamang simpleng tulong-pinansyal kundi isang taos-pusong pagkilala at pagpupugay sa mahabang buhay, karunungan, at mga sakripisyo ng mga senior citizen para sa kanilang mga pamilya at sa buong bayan.
"Higit sa isang pagkilala sa mahabang buhay, ito ay pagpupugay sa kanilang mga naging ambag, karunungan, at inspirasyong patuloy nilang ibinabahagi sa susunod na henerasyon," ayon sa pahayag ng pamahalaan.





