top of page
bg tab.png

445 na Angatenyo, Nakatanggap ng Tulong Panghanapbuhay


Sa kamakailang "Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers" (TUPAD) Payout, aktibong nakibahagi ang ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista kasama ang 445 mga residente ng Angat na naging mga benepisyaryo nito. Sa loob ng sampung araw, kanilang isinagawa ang mahalagang paglilingkod sa mga pampublikong komunidad.


Nagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Angat kay Cong. Salvador Pleyto ng ika-anim na distrito sa kanyang patuloy na pagsusumikap na magdala ng mga programa at serbisyong naglalayong mapabuti ang kalagayan ng bawat mamamayan sa Angat. Ang mga ganitong hakbang ay nagpapalakas ng pag-asa sa mas magandang kinabukasan ng ating bayan.


1 view0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page