4-YEAR-OLD, 4-TIME GOLD MEDALIST!

Nag-uwi ng karangalan sa Bayan ng Angat ang apat na taong gulang na si Wonderskye matapos magwagi ng apat na gintong medalya sa ginanap na MQ Rhythmic Gymnastics Gems Friendship Meet sa Robinsons Townville, Pulilan, Bulacan.
Bilang opisyal na kinatawan ng Angat, ipinamalas ng batang gymnast ang kanyang pambihirang husay, disiplina, at determinasyon sa kabila ng kanyang murang edad.
Pormal na nagpaabot ng taos-pusong pagbati ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pamilya ni Wonderskye para sa natatanging tagumpay na ito. Ayon sa lokal na pamahalaan, ang kanyang ipinakitang galing ay nagsisilbing malaking inspirasyon at patunay ng likas na talento ng mga kabataang Angateño sa larangan ng palakasan.










Comments