Isinagawa kamakailan sa Municipal Conference Hall ang 3rd quarter meeting ng Local Committee in Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children (LCAT-VAWC), Municipal Council for the Protection of Children (MCPC), at Municipal Nutrition Council. Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista at Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, kasama ang mga pinuno ng iba't ibang tanggapan at mga kinatawan mula sa civil society organizations.
Para sa LCAT-VAWC, tinalakay ang status ng accomplishment mula 1st hanggang 3rd quarter ng Annual Work and Financial Plan. Nagbigay din ng update ukol sa Gender and Development (GAD) accomplishment report hanggang sa kasalukuyang quarter.
Samantala, para sa Municipal Nutrition Council, inilahad ang review ng kanilang Vision at Mission, mga nagawa at mga resolusyon na ipapasa para sa pag-apruba. Tinalakay rin ang iba't ibang programa tulad ng National Dietary Supplementation Program at ang TUTOK KAINAN Dietary Supplementation Program. Bukod dito, napag-usapan ang pagdiriwang ng Mandatory Food Fortification Month, pati na ang pag-procure ng Salt Testing Kits upang masiguro ang kaligtasan ng pagkain. Isinama rin sa agenda ang gift-giving para sa mga boluntaryo at mga batang malnourished.
Ang nasabing pagpupulong ay naglayong patatagin ang mga programa para sa proteksyon ng kababaihan, kabataan, at pagpapabuti ng kalusugan sa komunidad.
Comments