top of page
bg tab.png

GANDA AT KALUSUGAN NG INA: Lealyn Lachica, Itinanghal na 'Mutya ng Buntis 2026' sa Bayan ng Angat


Binalot ng saya, ganda, at makabuluhang adbokasya ang Municipal Auditorium sa ginanap na Mutya ng Buntis Season 10 – Municipal Level, bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon.


Bitbit ang temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan,” layunin ng naturang pageant na kilalanin ang angking kagandahan, kakayahan, at inspirasyong hatid ng mga nagdadalang-tao. Kasabay rin nito ang pagpapalaganap ng kamalayan ukol sa kahalagahan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan habang nagbubuntis upang matiyak ang ligtas na panganganak at malusog na sanggol.



Ipinamalas ng mga kandidata ang kanilang alindog, talino, at kaalaman ukol sa kalusugan ng ina at sanggol. Sa pagtatapos ng paligsahan, itinanghal ang mga sumusunod na nagwagi:

  • Mutya ng Buntis 2026: Lealyn L. Lachica

  • 1st Runner-up: Princess Ann Mendoza

  • 2nd Runner-up: Jovelyn L. Dela Cruz


Naging matagumpay ang aktibidad sa pangunguna ng Municipal Nutrition Office, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Angat.


Sa pamamagitan ng mga ganitong malikhaing programa, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga inisyatibong nagtataguyod ng tamang nutrisyon, partikular na sa unang 1,000 araw ng sanggol, upang masiguro ang isang malusog, ligtas, at masiglang kinabukasan para sa bawat pamilyang Angateño.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page