Pinangunahan ni Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Ernest Kyle Agay ang 3rd Quarter Joint Meeting ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC). Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang iba't ibang usapin na may kaugnayan sa kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng bayan.
Nagbahagi ng kanilang mga ulat ang mga kinatawan ng iba't ibang sektor, kabilang na ang Angat PNP, Angat BFP sa pangunguna ni F/Insp. Joselito Sunga. Sinundan ito ng ulat mula kay Lt. Gerald Alquiza ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na nagbigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa kalagayan ng seguridad sa buong lalawigan.
Dumalo sa pagpupulong ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista bilang Chairman ng MPOC at MADAC, kasama ang Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, Konsehal William Vergel De Dios, mga Punong Barangay ng Angat, at ilang mga pinuno ng tanggapan ng Pamahalaang Bayan. Ang pagtitipon ay layuning patibayin ang kooperasyon at pagkakaisa ng iba't ibang sektor upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bayan ng Angat.
Comments