30 Senior Citizens sa Angat, Tumanggap ng tig-₱10,000 Milestone Age Payout
- Angat, Bulacan

- Jun 22
- 1 min read

Isang magandang balita at tulong pinansyal ang sumalubong sa mga nakatatandang mamamayan matapos matagumpay na idaos ngayong araw ang milestone age payout para sa 30 maswerteng senior citizens ng bayang ito.
Ang bawat isa sa mga benepisyaryo ay tumanggap ng tsekeng nagkakahalaga ng ₱10,000 bilang pagkilala ng pamahalaan sa kanilang pag-abot sa mga natatanging serye ng edad (milestone age) noong nakaraang taon.

Ipinaabot ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office ng Angat ang kanilang taos-pusong pasasalamat kay Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista sa walang-sawang pagsuporta at pagpopondo sa mga programa na nagtataguyod sa kapakanan ng mga nakatatanda.
Naging malaki rin ang papel ng mga pangulo ng Senior Citizens sa bawat barangay na nagsilbing katuwang ng MSWD sa paggabay, pag-asiste, at pagsisiguro na naging maayos at mabilis ang pamamahagi ng tulong para sa mga lolo at lola.
Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagpapahalaga ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa kontribusyon at mahabang buhay ng mga nakatatandang Angatenyo.









Comments