top of page
bg tab.png

3 Desktop Computers, Handog ng MERALCO


Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay isa sa napiling tumanggap ng tatlong (3 ) yunit ng desktop computer mula sa Manila Electric Railroad and Light Company (MERALCO).


Ito ay may kinalaman sa pagsuporta sa mandato ng mga lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng otomatikong pagpoproseso ng business permit at mga kaukulang clearance, kaya't ang ahensyang Anti-Red Tape Authority (ARTA) katuwang ang Manila Electric Railroad and Light Company (MERALCO) ay bumuo ng isang public-private partnership (PPP) at nakapaglunsad ng proyektong pinamagatang "Paspas Pilipinas Paspas".


Lubos po ang papasalamat ng ating Pamahalaang Lokal sa MERALCO sa pangunguna ni G. Emmanuel De Jesus (BC HEAD), Bb. Mitch Pineda at G. Jeff Cruz. Asahan po ninyo na ang inyong ipinagkaloob ay episyenteng gagamitin ng ating Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa mabuting pagseserbisyo sa mamamayang Angateño.


5 views0 comments

Kommentare


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page