top of page
bg tab.png

2nd Semester Barangay Assembly, Matagumpay na Idinaos sa Barangay Pulong Yantok

Oct 26
2 min read

Matagumpay na nailunsad ng Pamahalaang Barangay ng Pulong Yantok ang kanilang Barangay Assembly para sa ikalawang semestre ng taon nitong Linggo, Oktubre 25, 2026, na may temang “Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad.”


Inulat ni Kapitan Renato Abong San Pedro ang mga programa at aktibidad na naisakatuparan ng barangay mula Enero hanggang Hunyo 2026, habang inihanay rin ng mga Barangay Kagawad ang accomplishment reports ng kani-kanilang komite.


Naging panauhing tagapagsalita si MLGOO Cecil R. Caburnay mula sa DILG Angat, na nagbigay ng paalala sa pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa gaya ng curfew sa kabataan, pagbabawal sa pag-inom sa pampublikong lugar, limitasyon sa videoke hanggang 10:00 PM, pagbabawal sa paggala nang topless, No Segregation, No Collection Policy sa basura, at ang “Aso Mo, Tali Mo” para sa responsableng pag-aalaga ng hayop.


Nagbahagi rin si SFO1 Lester V. Mangahas ng Bureau of Fire Protection (BFP) Angat ng mga paalala sa kaligtasan sa sunog gaya ng pagbabawal sa pagsusunog ng basura, pagtiyak sa mga kalan sa kusina, at pag-unplug ng appliances. Samantala, ipinaliwanag naman ni PMSG Maylene Avon N. Enerlan ng PNP Angat ang kahalagahan ng Certificate to File Action (CFA) mula sa Katarungang Pambarangay bago dumulog o magsampa ng kaso sa himpilan ng pulisya.


Dinaluhan ang asembleya ng iba't ibang sektor kabilang ang mga Senior Citizen, Solo Parents, PTA Officers ng OMEES, ALS Teacher Benecio Francis Flores, Masagana HOA, Graceland HOA, 4Ps, PWDs, PYA TODA Association, Zumba groups, mga kawani ng barangay, BHW, Lupon, Barangay Tanod, Mother Leaders, LLNs, SK, at Indakan Dancers. Nagbigay ng invocation si Pastor Kyd Guballa, habang nag-alay naman ng pampasiglang bilang ang PY Zumba at AkiBONG Dancers. Pinamahalaan naman ni Darwin Cisneros ang daloy ng buong programa.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page