top of page
bg tab.png

2nd Quarter Provincial Operations Office II Meeting idinaos sa Angat Gymnasium


Ginanap sa Angat Gymnasium ang 2nd Quarter Provincial Operations Office II meeting na dinaluhan ng mga Municipal Action Team mula sa walong munisipalidad ng ating lalawigan. Ang mga bayan ng Marilao, Obando, CSJDM, Norzagaray, Angat, DRT, San Rafael, San Miguel, at San Ildefonso ay nagpadala ng kanilang mga kinatawan upang makiisa sa mahalagang pagpupulong na ito.


Pinangunahan ni OIC-Avelino James Jr. ang naturang pagpupulong, kasama sina Social Welfare Officer III Mylene Inza Cruz, IPD Focal Christian Neil De Jesus, at Convergence Focal Mark Bungabong. Sa talakayan, binigyang-diin ang mga sumusunod na paksa:

1. Regional Program Management Office Updates and Directives

2. Systems Update

3. Convergence Updates

4. Institutional Partnership Development Office Updates

5. Monitoring and Evaluation Updates

Ang pagpupulong ay nagbigay-daan upang mapalakas ang koordinasyon at kooperasyon ng bawat Municipal Action Team, at upang matiyak ang matagumpay na implementasyon ng mga programa at proyekto sa buong lalawigan.

1 view0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page