26 na Beneficiaries, Matagumpay na Nakapagtapos sa TESDA Barista NCII Training sa Angat
Updated: Sep 1

Ginanap nitong Agosto 27, 2026 ang Training Achievement Ceremony para sa 26 na beneficiaries na matagumpay na nakakumpleto ng TESDA Barista NCII Training sa Conference Hall ng Old Municipal Building sa Angat.
Inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO) ng Angat ang naturang programa bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng lokal na pamahalaan na palakasin ang skills development at magbukas ng mas magagandang oportunidad sa pangkabuhayan para sa mga mamamayan. Pinasinayaan ni Mr. Carlos R. Rivera, Jr. ang nasabing pagtitipon upang parangalan ang sipag at dedikasyon ng mga bagong completers.

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang PESO Angat kina Cong. Salvador Pleyto at Mayor Reynante S. Bautista sa kanilang walang sawang pagsuporta sa mga programang pangkasanayan sa bayan. Pinasalamatan din ang Colegio de San Martin na nagsilbing katuwang sa edukasyon, pati na rin si Ms. Leonora Saludar para sa kaniyang dedikasyon bilang opisyal na trainer ng mga graduates.










Comments