top of page
bg tab.png

25 Angateño Scholars, Pormal nang Sinimulan ang TESDA Barista NC II Training


Pormal nang sinimulan ng 25 iskolar mula sa bayan ng Angat ang kanilang pagsasanay para sa TESDA Barista NC II matapos isagawa ang Training Induction Program (TIP) sa Conference Hall ng Old Municipal Building.


Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng inisyatibo ni Congressman Salvador Aquino Pleyto, sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Angat sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO).


Sa unang araw ng kanilang pagsasanay, naging pokus ng oryentasyon ang mga sumusunod:

  • Competency-Based Training (CBT): Pagpapatupad ng mga gabay at inaasahang pamantayan sa buong durasyon ng kurso.

  • Core Competencies: Pagtakay sa limang pangunahing kakayahan na dapat taglayin ng isang propesyonal na barista.

  • Protokol sa Kaligtasan at Kalinisan: Oryentasyon sa laboratory safety, tamang pagpapanatili ng mga makina (machine maintenance), at mga pamantayan sa kalinisan.



Magsisilbing opisyal na TESDA Accredited School para sa pagsasanay na ito ang Colegio de San Martin.


Layunin ng proyektong ito na magbigay ng kasanayan at sertipikasyon sa mga residente ng Angat upang magbukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho at pagnenegosyo sa industriya ng kape at serbisyo.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page