top of page
bg tab.png

24 Child Development Centers sa Angat, Tumanggap ng Opisyal na Akreditasyon


Isang malaking tagumpay para sa sektor ng maagang edukasyon ang nakamit ng bayan matapos matagumpay na isagawa ang Exit Conference para sa Accreditation at Recognition ng mga Child Development Centers (CDC) at Child Development Workers na idinaos sa New Municipal Conference Hall.


Ang mahalagang hakbang na ito ay naglalayong higit pang mapaigting at maitaas ang kalidad ng Early Childhood Care and Development (ECCD) o ang pangangalaga at paghubog sa mga batang mag-aaral sa antas ng barangay.


Ang programa ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa ilalim ng pamumuno ni Ma'am Rowena Tiongson, katuwang ang mga opisyal na Provincial Accreditors na sina Ma'am Dianne De Ocampo (Provincial ECCD Focal Person), Ma'am Simeona Manio, at Ma'am Diana Kalaw.



Sa panig naman ng lokal na pamahalaan, aktibong nakiisa at sumuporta si Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista at Konsehal JP Solis, kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Ma'am Menchie Bollas, pati na rin ang mga dedikadong daycare workers at mga Punong Barangay sa buong bayan.


Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa pasilidad, kalinisan, seguridad, at kalidad ng pagtuturo, pormal na pinarangalan at hinati sa tatlong antas (Levels 1 to 3) ang mga CDC sa Angat na nagpamalas ng kahusayan:

LEVEL 1(Standard Compliance)

LEVEL 2(High Standard Compliance)

LEVEL 3(Highest Standard Excellence)

* Banaban CDC


* Baybay CDC


* Pulong Yantok II CDC


* Encanto CDC


* Sulucan II CDC


* Sta. Cruz II CDC

* Sta. Lucia CDC


* Sto. Cristo CDC


* Sulucan I CDC


* Niugan I CDC


* Donacion CDC


* Laog CDC


* Paltok CDC


* Pulong Yantok I CDC


* Binagbag I CDC


* Binagbag II CDC


* San Roque I CDC


* Sta. Cruz I CDC

* Niugan II CDC


* Marungko CDC


* Taboc CDC


* National Child Development Center


Ang paggawad ng mga antas na ito ay patunay ng walang pagod na dedikasyon ng mga daycare workers na magsilbing pangalawang magulang at gabay ng mga bata sa kanilang unang hakbang sa pag-aaral.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page