top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

2025 National Women’s Month Celebration


Nakiisa si Punong Bayan Reynante S. Bautista sa pagdiriwang ng 2025 National Women’s Month na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.” Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Menchie Bollas ang naturang selebrasyon, na layong kilalanin ang mahalagang papel ng kababaihan sa iba’t ibang larangan ng lipunan.

Dumalo rin sa programa si Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, kasama sina Konsehal Blem Cruz, Konsehal William Vergel De Dios, at Konsehal Darwin Calderon. Kasama rin ang mga kinatawan ng iba’t ibang samahan ng kababaihan mula sa bayan, na nagpakita ng pagkakaisa at suporta sa adbokasiya para sa mas inklusibo at progresibong lipunan.

Ang nasabing selebrasyon ay bahagi ng taunang paggunita sa Women’s Month, na patuloy na nagsusulong ng gender equality at empowerment para sa kababaihang Pilipino.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page