200 Benepisyaryo ng TUPAD sa Angat, Tumanggap na ng Payout
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Isang maagang pamasko ang natanggap ng 200 benepisyaryo sa Bayan ng Angat matapos isagawa ang DOLE TUPAD Payout ngayong araw, Disyembre 20, 2025, sa Municipal Evacuation Center.
Ang naturang pamamahagi ng sahod ay pinangasiwaan ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa pamumuno ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) Angat. Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng pansamantalang trabaho at tulong pinansyal sa mga manggagawang nasa impormal na sektor.
Nagpaabot ng malalim na pasasalamat ang lokal na pamahalaan at ang PESO sa DOLE Bulacan, sa ilalim ng pamumuno ni OIC at Assistant Regional Director Alex Inza-Cruz. Ang patuloy na suporta ng ahensya ay naging susi upang mailapit ang mga oportunidad at tulong mula sa nasyonal na gobyerno patungo sa mga Angateño.








Comments