₱2.04-M Pangkabuhayan, Ipinamahagi sa mga 4Ps SLP Associations sa Angat
- Angat, Bulacan

- 1 day ago
- 1 min read

Isang malaking hakbang tungo sa mas matatag na kabuhayan ang isinagawa sa Bayan ng Angat matapos ipamahagi ang kabuuang ₱2,040,000.00 na pondo sa ilalim ng DSWD Sustainable Livelihood Program (SLP) nitong nakaraang araw.
Ang nasabing pondo ay nakalaan para sa pitong (7) samahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan. Layunin ng programang ito na bigyan ng sapat na puhunan at suporta ang mga benepisyaryo upang makapagsimula ng mga proyektong pangkabuhayan na magsisilbing sandigan ng kanilang pamilya para sa

pangmatagalang pag-unlad.
Personal na dinaluhan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista ang aktibidad, kasama sina Konsehal William Vergel De Dios, Konsehal Wowie Santiago, at MSWDO Menchie Bollas. Naroon din ang mga kinatawan mula sa SWAD Bulacan sa pangunguna ni Provincial Coordinator Cynthia Alzona upang saksihan ang pormal na turnover ng pondo.
Ang mga samahang tumanggap ng tulong-pinansyal ay ang: 4P’s Binagbag SLPA, Team Matatag SLPA, Angat Buhay SLPA, Lucky Charm Sta. Cruz SLPA, Tibay SLPA, Kamanggagawa ng Sta. Cruz 1 SLPA, at Kamanggagawa ng Sta. Cruz SLPA. Ang inisyatibong ito ay bunga ng matibay na ugnayan ng DSWD at ng Lokal na Pamahalaan ng Angat sa pagsisigurong walang pamilyang maiiwan sa pag-asenso.









Comments