12-Araw na Pagdiriwang ng GulayAngat Festival 2026, Matagumpay na Nagtapos
Matagumpay at opisyal nang nagtapos ang labing-dalawang (12) araw na engrandeng pagdiriwang ng 5th GulayAngat Festival kasabay ng Ika-343 Taong Pagkakatatag ng Bayan ng Angat.
Naging tampok sa serye ng pagdiriwang ang iba't ibang paligsahan, pagtatanghal ng mga lokal na artista at banda, pagkilala sa mga natatanging magsasaka, at ang pagtatampok ng mga lokal na pagkain at produkto ng bayan. Ayon sa Pamahalaang Bayan ng Angat, ang bawat bahagi ng selebrasyon ay nagpakita ng yaman ng Angat sa talento, kultura, at pagkakaisa ng mamamayan.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang lokal na pamahalaan, sa pamumuno ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista, sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng tagumpay ng GulayAngat 2026— kabilang ang mga opisyal ng barangay, paaralan, mga magsasaka, performers, organizers, volunteers, at mga pampublikong kasosyo sa bayan.
Binigyang-diin ng pamahalaang bayan na ang tunay na ani ng pagdiriwang ay ang pagkakaisang nabuo at ang mga binhing itinanim para sa patuloy na pag-unlad ng bayan. Hinihikayat ang buong sambayanang Angatenyo na patuloy na magkaisa at magtulungan sa ilalim ng temang "Binhi ng Pagbabago, Ani ng Pagkakaisa."










Comments