top of page
bg tab.png

₱100K Cash Gift, Naibigay na sa Pamilya ng Centenarian mula Angat


Opisyal nang naibigay ngayong araw sa pamilya ng yumaong centenarian na si Nanay Nemencia Feliciano ang tsekeng nagkakahalaga ng ₱100,000 bilang pagkilala sa kanyang pag-abot sa ika-100 taong gulang.


Ang simpleng seremonya at pag-abot ng insentibo ay ginanap sa tanggapan ng City Social Welfare and Development (CSWD) Office sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan, sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office ng Angat.

Si Nanay Nemencia, na nagmula sa Barangay San Roque, Angat, Bulacan, ay maligayang nagdiwang ng kanyang ika-100 na kaarawan noong Oktubre 2025. Siya ay mapayapang pumanaw noong Enero ng kasalukuyang taon (2026).


Ayon sa MSWD Angat, bagamat pumanaw na si Nanay Nemencia, nananatiling karapat-dapat at itinalaga ng batas na ibigay ang naturang cash gift sa kanyang mga naulilang pamilya bilang postumong pagkilala (posthumous recognition) sa ilalim ng Centenarians Act.


Ang pagkakaloob ng insentibong ito ay patunay ng patuloy na pagpapahalaga at pag-aalaga ng pamahalaan sa mga nakatatandang mamamayan o senior citizens na nag-alay ng kanilang mahabang buhay at kontribusyon sa lipunan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page