10 Kitchen Crew Members, Kailangan sa Jollibee Angat

Nangangailangan ang sangay ng Jollibee Angat ng sampung (10) bagong Kitchen Crew Members sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Public Employment Service Office (PESO) ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Bukas ang nasabing opurtunidad sa mga nakapagtapos nang hindi bababa sa Junior High School (Grade 10), High School, o Alternative Learning System (ALS). Maging ang mga aplikanteng walang nakaraang karanasan sa trabaho ay maaari ring magpasa sapagkat magkakaloob ng kaukulang pagsasanay ang kumpanya.
Kabilang sa mga pangunahing kwalipikasyon ang pagkakaroon ng maayos na kalusugang pangkatawan upang magampanan ang mga tungkulin sa kusina, gayundin ang pagiging masayahin, marunong makisama sa kapwa kawani, at kakayahang magtrabaho sa magkakaibang shifting schedule, kabilang ang mga gabi, katapusan ng linggo, at mga pista opisyal.
Para sa mga nagnanais mag-apply, kinakailangang sagutan ang opisyal na registration form sa online link na [https://forms.gle/eQ7SajMoCAbDeS5o8](https://forms.gle/eQ7SajMoCAbDeS5o8) at ipadala ang na-update na Resume o CV sa email na pesohiringangat@gmail.com gamit ang pormat na Application: Jollibee Angat - [Position Name] - [Your Full Name].










Comments