Year-End Assembly para sa mga Senior at PWD sa Angat, Naging Matagumpay
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Isang serye ng makabuluhang Year-End Assembly ang matagumpay na isinagawa sa bawat barangay ng Angat para sa mga Senior Citizen at Persons with Disabilities (PWD). Ang naturang programa ay pinangunahan ni Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista, kasama ang mga mambabatas ng bayan at ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Layunin ng pagtitipon na hindi lamang magbahagi ng munting handog, kundi kilalanin ang mahalagang papel ng mga sektor na ito sa lipunan. Kasama ni Mayor Bautista sa pag-iikot sina Kon. JP Solis, Kon. Wowie Santiago, Kon. Andre Tigas, at MSWDO Head Menchie Bollas. Ayon sa lokal na pamahalaan, ang aktibidad na ito ay simbolo ng kanilang paninindigan na sa pag-unlad ng Angat, "walang maiiwan."









Comments