Weekly Clean-Up Drive sa Tubao 1 Street, Matagumpay na Isinagawa
- Angat, Bulacan

- May 16
- 1 min read

Muling ipinamalas ng pamunuan ng barangay at ng mga residente ang diwa ng bayanihan sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive ngayong Mayo 16, 2026 sa kahabaan ng Tubao 1 Street.
Ang lingguhang aktibidad na ito ay patuloy na ipinatutupad upang masiguro ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran, gayundin ang kaligtasan ng mga mamamayan laban sa mga sakit na dulot ng maruming paligid.
Lubos ang ipinaabot na pasasalamat ng pamunuan sa lahat ng mga kabarangay na nakiisa, nag-alay ng kanilang oras, at nagpakita ng kooperasyon sa nasabing paglilinis. Ayon sa pamunuan, ang ganitong pagtutulungan ay malaking hakbang upang mapanatiling maayos at malusog ang buong komunidad.









Comments