Weekly Clean-Up Drive, Muling Isinagawa sa Barangay Sta. Cruz
- Angat, Bulacan

- May 9
- 1 min read

Muling ipinamalas ng pamunuan at mga residente ng Barangay Sta. Cruz ang diwa ng bayanihan sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive nitong Sabado.
Ang lingguhang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na adhikain ng Sangguniang Barangay upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas sa mga posibleng sakit ang buong komunidad. Sama-samang inikot at nilinis ng mga opisyal at mga boluntaryong mamamayan ang mga pampublikong lugar at mga pangunahing daan sa barangay.
Nagpasalamat ang pamunuan ng Barangay Sta. Cruz sa lahat ng nakiisa at nag-alay ng kanilang oras, at muling nagpaalala sa publiko na ang pagpapanatili ng kalinisan sa tapat ng sariling tahanan ay malaking tulong para sa kalusugan ng komunidad.









Comments