Weekly Clean-Up Drive, Isinagawa sa Barangay Sta. Cruz
- Angat, Bulacan

- May 2
- 1 min read

Nakiisa ang pamunuan ng barangay at mga residente ng Barangay Sta. Cruz sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, May 2, 2026.
Ang lingguhang paglilinis na ito ay bahagi ng patuloy na programa ng Sangguniang Barangay upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas sa mga sakit ang buong komunidad. Sama-samang nilinis ng mga opisyal at mga boluntaryong mamamayan ang mga pangunahing kalsada at mga pampublikong lugar sa paligid.
Nagpasalamat ang pamunuan ng Barangay Sta. Cruz sa lahat ng nag-alay ng kanilang panahon at lakas, at muling ipinaalala sa publiko ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagpapanatili ng kalinisan sa kani-kanilang tapat ng bahay.









Comments