Nakataas ang Signal #1 sa Eastern Bulacan kung saan kabilang ang mga bayan ng Angat, Norzagaray, DRT, San Miguel, San Rafael, San Ildefonso at City of San Jose Del Monte dahil sa pananalasa ng Bagyong Florita.
Kapag nanatili ang ganitong taya ng panahon (Signal No. 1), maaaring masuspindi ang klase sa Pre-School at Kindergarten.
Kung tumaas naman ang typhoon signal, ito ang maaaaring maging senaryo:
SIGNAL NO. 2: suspendido ang klase mula Pre-School,hanggang Senior High School
SIGNAL NO. 3: Suspendido ang klase sa lahat ng antas
Sa kalagayan na walang storm signal, babatay sa aktwal na lagay ng panahon ang suspension ng klase. Samantala, sa mga lugar na higit na bulnerable, nasa pagpapasya na ng mga magulang kung papapasukin sa paaralan ang kanilang mga anak.
Mag-iingat po ang lahat!
Comments