Mga Angatenyo, masaya po nating ibiinabalita na nagsimula ng gamitin ang WEHLO (Weather, Environment and Hydroment Solutions) Weather Information System na kauna-unahan po sa buong Bulacan. Sa ating bansa, kung saan ang mga kalamidad tulad ng bagyo at baha ay karaniwan, mahalaga na maging handa tayo sa anumang pagbabago sa panahon.
Ang pagkakaroon ng tamang impormasyon sa klima at temperatura at makatutulong sa pagplano ng mga hakbang na kailangang gawin upang maprotektahan ang ating mga mamamayan at maging ang kanilang mga kabuhayan kagaya ng kabukiran at palaisdaan.
Maraming salamat sa UNTV sa pagbibigay ng pagkakataon na maibalita ang ganitong proyektong pambayan!
Comments