Ipinahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan, pati na rin ang suspensyon ng trabaho sa mga pampubliko at pribadong tanggapan bukas, Hulyo 25, 2024. Ito ay dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat at Red Warning Level mula sa PAGASA, na nagdudulot ng malalang pagbaha. Ang hakbang na ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng PDRRMC upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.
top of page
bottom of page
Comments