#WalangPasok: Ang buong Lalawigan ng Bulacan ay isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 at Yellow Rainfall Warning dahil sa bagyong #KristinePH. Inaasahan ang malakas na hangin at malalakas na pag-ulan. Bilang tugon, idineklara ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas, sa pampubliko at pribadong paaralan, gayundin sa mga pampubliko at pribadong opisina sa buong Bulacan, epektibo bukas, Oktubre 24, 2025.
Gayunpaman, ang mga ahensyang nagbibigay ng mahahalagang serbisyo gaya ng pangkalusugan, disaster response at social services ay magpapatuloy sa operasyon.
Comentários