top of page
bg tab.png

Viva, Sta. Monica! Maligayang Kapistahan, Bayan ng Angat!


“Walang kuwenta sa akin kahit na saan mo ako ilibing; huwag mo lamang akong kalilimutan kung nasa altar ka na!” Ito ang huling habilin ni Sta. Monica sa kanyang anak bago siya bawian ng buhay noong taong 387.


Si Sta. Monica, ang ina ni San Agustin, ay nakilala at binigyang karangalan ng simbahang Katoliko dahil sa kanyang taglay na kagandahang asal, laluna sa pakikitungo sa pagtataksil ng kanyang asawa at sa kanyang buong buhay na pagdarasal para sa pagbabagong buhay ng kanyang anak. Ayon sa mga Kristiyanong salaysay, gabi gabing umiiyak si Sta. Monica dahil sa kanyang anak na si Agustin. Dahil sa kanyang mga pagdurusa at sakripisyo dulot ng asawa at anak, siya ang kinilalang patron ng mga ina at babaeng may asawa.


Sa buhay ni Sta. Monica ay masasalamin ang mabisa at mayamang ugnayan sa Panginoon na nakaugat sa matibay na pananalangin. Hindi niya hinayaang matalo siya ng mga hamon ng buhay, bagkus ay binagyo niya ito ng kanyang mga panalangin upang hingin ang biyaya sa Panginoon na maging matiwasay ang lahat at maiayon sa kalooban ng Panginoon.


Sa araw na ito, sama sama po tayong magpugay Kay Sta. Monica at hilingin natin sa kanya na ipanalangin niya ang mga makasalanan sa mundo na talikuran ang pagkakasala at tahakin ang landas ng kabutihan.


Viva, Sta. Monica! Maligayang Kapistahan, Bayan ng Angat!

32 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page